ALEKSS
The Other Alex Castro
Infos are posted in my About tab. Contacts are on my Affiliates tab. Backreading? Try my Archives tab. My tagboard is up again so leave me a message? :)




posted : 11.05.2009
title : it's all about SECOND SEMESTER
five more days to go and i'll be facing another "first day" for this year. why does college has to be this difficult and complicated?hha. why do i have to do the things i already passed through the 1st sem? the new classmates, the new professors, the new classrooms, EVERYTHING. it's like i'm starting from scratch again.

but on the plus side at least i finished my enrollment within a day!konek?hha. maybe it's a sign that the second sem will not be supeeer difficult.hha. hope so. nakakainis lang kasi wala man lang guide kung paano mag-enroll for second sem. nung 1st sem pampered masyado anf freshie tpos ngayon parang, "hala!sige, bahala na kayo!"hha. grabe sila akala nila joke ang pinagdaanan ko para sa enrollment nila?!ha?!

well. hindi talaga joke. ganito kasi ang kwento. :) [wala talagang coherence ang paragraphs ko.hha]

nagsimula ang lahat noong november 2, 2009, 7pm. yan ang oras ng byahe namin pabalik ng manila. lampas 3am kmi dumating ng kamuning, cubao. syempre naman wala pang pila sa UP at adik naman kami masyado kung pipila na kami.hha. kaya naisipan na muna naming kumain ng breakfast. kaya pumunta kami sa Mcdo sa Philcoa. naisipan na rin namin dun tumambay. 24 hours yun at normal na tambayan yun ng mga estudyante. pagkatapos namin kumain nagsipilyo na kami.OO, TAMA KA. nagsipilyo kami sa McDo.hha.galing no?sinong magaakala na pwede pala yun?hha. wala pa namang tao dun eh.hha.feeling bahay nga namin yun.nagpalit na rin kmi ng damit. mdyo naghilamos. buti nga at nahiya na kami at di na namin naisipang maligo dun.hha. mhirap na.wahaha.

nang medyo maliwanag na sa labas at 5am na umalis na kami doon. wala pang dyip papasok na UP kaya no choice kami kundi lakarin. linakad namin ang buong University Avenue at ang sagwa!sobra.hha.iba lang tlga ang feeling ko kapag nasa Univ Ave ako.sorry.hha. at isa pa. wala kaming tulog at walang ligo. bangag na bangag na nga kami. para kaming mga ewan na mga naglalakad sa Univ Ave na hindi makalakad na diretso.hha.

bandang 6am nakarating na kami ng dorm. mahabang proseso nanaman ang pagcheck-in kaya nga inis na inis na iba kong kasama. tinatawag na daw sila ng kalikasan pero wala pa rin ang mga RA para umasikaso na sila. dagdag sakit ulo pa ang bagal ng pagpapasok. kawawa ang mga kasama ko dahil wala naman sila magawa kundi itago sa sarili nila ang nararamdaman nila at kung hindi baka magsarili ito at di na nila ito mapigil. pero sa totoo lang tawang-tawa na ako. hahahaha. SOBRA. magaling lang tlga ako pumigil XD

nang makapasok sa kwarto nagiwan lang ako ng ilang gamit sa closet at umalis na. lampas 9 na ng umaga at 8am ang start ng enrollment for sure marami na ang nakapila.

ANG ENROLLMENT PROCESS KO! :)
1. pagkagaling sa dorm, pumunta na ako sa pinakamamahal kong college... ang COLLEGE OF ARTS AND LETTERS.hha. :D

2. pagdating ko dun kukunin daw ang registration materials sa CNB 201. pagdating ko dun mahaba na ang pila. edi syempre dahil matino akong tao pumila din ako. nakikiuso lang.hha. tapos may sinigaw yung isang assistant. walang nakikinig, di ko rin nga narinig eh. tapos sabi ko bka DECL ang sabi niya kaya lumapit ako at nagtanong. sabi niya sken. "sige na. pasok ka na. ayaw ata nila."hha.langhiya. edi ako naman, "okaaaay! :D" edi kinuha ko na ang ang form5a ko at ang form5.

3. pumunta na ako sa e-prerog para sa eng10 ko. badtrip naman kasi ang CRS. meron bang EngStud na walang english subject?!duh?! to think na priority na kami. wow!hha. buti na lang at may slot pa kahit na ang prof ko ay sinasabi ng marami na puro lang pagawa at hindi naman pumapasok. hmp. bahala na.kayang-kya yan.hha.

4. pagkatapos ng prerog nagpa-advise na kami. at maayos na ang adviser ko!yes! hindi na siya joke na adviser.hha.totoo na!hha. at nag-aadvise tlga siya.hha.at hindi niya ako masyadong tinadtad ng english. at nakasagot na ako.hha.at hindi siya english!bwahaha. XD

5.sumunod ngpapirma sa librarian para sa library clearance at dahil di naman ako humihiram ng libro dahil wala lang may net naman.hha.kya alam ko for sure wala naman akong kelangang bayaran na fine. whew!

6.next step is assessment! pumila na kmi sa office of the secretary. ang haba ng pila kaya ang laking relief na at last kinuha na yung forms ko badtrip nga lang dahil biglang binalik sken. sabi sakin kelangan ko daw ng tatak ng vinzons dahil sa stfap ko. craaap. ang layo-layo kaya ng CAL sa vinzons. argh. alangan naman ang bayaran ko 1000 per unit edi syempre lalakarin ko na lang yun para magin 300 per unit. edi yun nga. pagkatapos na paglalakad sa araw nang tanghaling tapat wala nang mas gaganda pa sa nakita ko sa window sa office of the secretary ng college ko: "LUNCH BREAK. 12pm-1pm" lechugas! maghihintay pa ako!NAMAAAN! argh.

dahil nga sabi ng sign eh lunch break na edi syempre sign na rin siguro yun para kumain na rin ako. tinawagan ako ng blockmate ko andun daw sila sa museum cafe kaya sumunod na rin ako at syempre kumain na rin ako. hha.TAMA, sa museum cafe ako kumain.hha. feeling rich eh no?hha. andami ngang konyo eh.hha.ayoko na rin idiscuss kung ano at magkano ang kinain ko. bsta ang importante sa NAKAKAIN NA AKO DUN!wahaha.

7. sa wakas 1pm na.yeeees! pumila na ULIT ako. kinuha nila ang forms ko at sinabi na ng gwapong lalaki sa likod ng window na.."balikan mo na lang after an hour. *smile*". langhiya! isang oras nanaman!adeek sa isang oras ang UP. buti na lang nabawi nung lalaki ng smile yung badtrip ko. hmp. hha.

8. pagkatapos ng isang oras sabi ko sa sarili ko. THIS IS IT. hha. [oi.di ko ginaya yung may michael jackson. totoo yan.hha :D ] edi yun nga.pumunta na ako sa OUR, 3rd floor. all smiles pa ako dahil last step na at yeeeees tapos na ako. pagdating ko sa taas, poooteeek! ang haba ng pila. ano to?wowowee auditions? shooot. hndi ako handa sa talent ko?!hha. alangan naman atrasan ko pa. pagkatapos ng lahat na na-encounter ko na "1 hour" ngayon pa ako susuko.sus!hha. kaya naman pagkatapos ng "1 hour" may form 5 na ako.bwahahaha. enrolled na ako! XD

soooo.yuuun lang nman ang kwento.baka wala naman magbasa nito. hha. trip ko lang. sayang nman kung wala mapuntahan ang lahat ng vinisualize ko sa bus pauwi.wahaha.before i forgot.here's my 2nd sem schedule.. :D