The Other Alex Castro
Infos are posted in my About tab. Contacts are on my Affiliates tab. Backreading? Try my Archives tab. My tagboard is up again so leave me a message? :)
|
posted : 2.08.2012
title : SABOG LANG AKO
Sa totoo lang, pagod na pagod na pagod na ako. Kung noon nasasabi ko sa mga tao na bigla na lang hihinto at pansamantalang hahanapin ang kanilang sarili at dating driving force at motivation mo para magpatuloy sa buhay ay parang nakakapang-gago lang at nagsasayang sila ng oras. TAE. Sa puntong ito, naiintidihan ko na sila. Siguro Social Sciences din sila. Sobrang pagod na talaga ako. Yung tipo ng pagod na di kayang mapawi ng simpleng night out lang, kahit 1 gallon ng ice cream, or kaya naman shopping or eat-all-you-can or movie marathon. Naiintindihan ko na sila. Maaaring hindi to applicable sa iba pero totoo pala. Hindi pala to parang naka-isip ka na lang na, "Sige. Pupunta ako nang..." Di mo to maiintindihan kung hindi mo naman to nararamdaman. Dagdagan pa ng mga tanong na, "Pasaan ka ba talaga patutungo?" "Ano college para sayo, laro-laro?"
Sa kung sino man ang nagbabasa nito, wag kang mag-alala dahil wala akong balak sa sumunod sa listahan ng mga nag-attempt mag-suicide sa dorm dahil ayokong mas mamura pa ni Sir Gerry dahil sa kagagahan ko. Wala din akong balak mag-LOA. Di rin ako mawawala na lang at biglang magtetext na nasa isang SPA ako nagpapa-mani/pedi. Kaya ko to. STAY STRONG. Labels: ASDFGHJKL, fckthisshit |