ALEKSS
The Other Alex Castro
Infos are posted in my About tab. Contacts are on my Affiliates tab. Backreading? Try my Archives tab. My tagboard is up again so leave me a message? :)




posted : 3.13.2012
title :


1. Wag kang mag-alala, no pressure pagdating sa kung ano man ang gusto mong gawin paglaki mo. Kahit ano pa yan susuportahan kita. Kahit na alam ko na pwedeng mamulubi ka sa gagawin mo, game lang. HAHA.

2. Sinasabi ko sayo Anak, kapag laki mo magiging cool ka dahil pinag-aral kita ng maaga ng piano or drums.

3. Marami ka dapat mabasang libro. Gusto ko kasi medyo nerd ka. Pero don't worry dahil bilang nag-drums ka or nag-piano ka cool ka pa rin.

4. Promise ko sayo na hindi kita ilalabas sa mundong ito kung poor pa tayo. Haha.

5. Bilang sabi nila ay sa nanay galing ang talino ng bata ibig sabihin secured ka na. I got that covered. HAHAHAHAHAHAHA.

6. Habang maaga pa sasabihin ko na sayo na feeling ko lang talaga magiging strikto ako sayo.

7. Wag ka mag-expect ng maraming kapatid. Please lang sana mga tatlo lang kayo. Haha.

8. Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ko sasanayin ang anak ko sa mga candies, junk food, at softdrinks. Alam ko naman na matuto at matuto ka din namang kumain nian kapag nag-school ka na pero habang bata ka pa healthy living muna tayo Anak. You'll thank me for that when you grow older, I swear.

9. Sana maging close talaga tayo. Yung tipong bestfriends. Sana masabi mo sa akin kahit kalahati man lang ng 'lahat.' At isa pa, hinding-hindi kita ipapahiya katulad ng iba na clingy mommy. Pero you'll never know. :)

10. As of now, sa totoo lang naman, drawing ka pa lang talaga. Sa ibang salita, abstract. Wala pa Tatay mo eh. LITERALLY. Kaya hintay-hintay ka muna. Darating din tayo dyan. Stay strong my child. I'll see you in the future, I hope not in the near near future tho. :))